Sa resolusyong inaprubahan ng mayorya ng provincial board ay binigyan nito ng kapangyarihan si Gov. Danilo Suarez na magsagawa ng agarang hakbang upang pigilin ang konstruksiyon ng P12-bilyong water supply project sa bayan ng Infanta.
Ipinasa ang nasabing resolusyon noong Nobyembre 27, 2020 ng labing-isa sa labintatlong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni
Bise Gobernador Samuel Nantes.
Hawak ang poder na ipinagkaloob ng
resolusyong pinagtibay ng lawmaking board ng lalawigan ay agad namang inihayag ni Gov. Suarez ang nagkakaisang saloobin ng mga mamamayan laban sa iginigiit ng ilang ahensiyang nasyunal na Kaliwa dam.
“Hindi ko gusto ‘yang Kaliwa dam. Ako’y kaisa nyo… at ‘pag itinuloy pa rin ang pagpapatayo nyan ay magkikita-kita kami sa korte,” pahayag ng gobernador sa harap ng mga kumokontra sa naturang proyekto, kabilang ang mga miyembro ng Save Sierra Madre network.
Ayon kay Suarez, habang siya umano ang gobernador ng lalawigan ay hindi niya pahihintulutang maitayo ang joint venture project ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System at China Energy Engineering Corporation dahil sa malinaw na mapanira ito sa kalikasan, magtataboy sa karapatan ng mga katutubong
daan-taon nang naninirahan sa lugar napagtatayuan ng proyekto, maliban pa sa panganib na hatid ng Kaliwa dam sa mga mamamayan na nakatira sa mga kapatagan, o low-lying communities.
Iginiit din ng mga lider ng Simbahang Katoliko sa lalawigan ang kanilang pagtutol sa multibillion-peso mega-dam project, at sinabing ang laban ay para sa kaligtasan ng mga tao.
Ayon kay Bishop Bernardino Cortez ng Infanta, ang Kaliwa Dam project ay may nakaumang na panganib sa lowland agricultural at fishing communities na may kasaysayan ng flash flooding.
Ang prelature, na sumasakop sa hilagang bahagi ng mga lalawigan ng Quezon at Aurora ay nasa Sierra Madre Mountain Range at sa silangan ng Pacific Ocean. Tahanan din ito ng libo-libong Dumagats, isang indigenous community sa highlands ng Infanta.
“So you will understand that, by geography, our very survival depends on the care of our mountains, forests, rivers, protection of mangroves and seashores. We hope and pray that our people in this ‘Jubilee for the Earth’ will develop a new mindset and a paradigm shift in our care and use of the common home,” sabi ni Cortez.
Kaugnay nito ay hinikayat ni Cortez ang gobyerno na maghanap ng alternatibong mapagkukunan ng tubig tulad ng watershed rehabilitation at ayusin ang mga umiiral na dams at water facilities.
“We hope and pray that our people in this ‘Jubilee for the Earth’ will develop a new mindset and a paradigm shift in our care and use of the common home,” ayon kay Cortez.