Paggunita sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio sinabayan ng protesta

Nagsagawa ng protesta ang iba’t ibang mga grupo ngayong ipinagdiriwang ng bansa ang ika-157 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Nagtipon-tipon sa harap ng Palma Hall sa UP Diliman ang iba’t ibang mga grupo para magsagawa ng programa.

Isinabay din nila ang paggunita sa ika-22 anibersaryo ng ng organisasyon ng mga kabataan na “Anakbayan”.

Mula sa Palma Hall ay nagmartsa sila patungong University Avenue.

“Ngayong Araw ng Ama ng Himagsikang Pilipino, narito na ang grupo ng mga kabataan, kasama ang iba pang sektor ng lipunan sa University Avenue upang ipagdiwang kaarawan ni Bonifacio at singilin sa kriminal na kapabayaan si Duterte,” ayon sa grupong CEGP.

Iba’t ibang hinaing ang sigaw ng mga raliyista sa kilos protesta.

Kabilang dito ang pagwawakas sa anila ay “traydor, kurap, pahirap at pasistang diktadurya ni Duterte”.

Ipinanawagan din nila ang pagpapatigil sa Jeepney Phaseout at ang pagpatay sa mga magsasaka.

 

 

 

 

 

 

Read more...