Hindi bababa sa limang lindol sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, naitala

phivolcsNakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ng hindi bababa sa limang lindol sa iba’t ibang panig ng bansa sa nakalipas na magdamag.

Niyanig ng 2.4 magnitude na lindol ang Puerto Galera, Oriental Mindoro, 1:10 ng madaling araw; habang 2.1 magnitude na lindol naman ang naramdaman sa Tingloy, Batangas kaninang 1:43 ng madaling araw.

2.6 magnitude na lindol naman ang nairekord sa Mainit, Surigao del Norte, pasado 2:02 ng madaling araw; samantalang 4.5 magnitude na pagyanig ang naitala sa Gatchitorena, Camarines Sur, 3:43 ng madaling araw.

Sa Ambaguio, Nueva Vizacaya naman, yumanig ang 3.8 magnitude na lindol dakong 4:16AM, habang 2.2 magnitude na lindol ang nairekord sa Looc, Occidental Mindoro, 6:59 ng umaga.

Sa kabila ng mga naitalang lindol, sinabi ng Phivolcs na walang nasirang ari-arian sa mga nabanggit na lugar, at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...