Ito ang sinabi ni Commission on Elections o Comelec Chairman Andres Bautista kaugnay sa pangalawang PiliPinas Debates 2016 sa Performing Arts Hall ng University of the Philippines-Cebu sa ganap na alas-singko ng hapon, na sponsored ng TV5 at Philippine Star.
Kabilang sa mga kumpirmadong dadalo ay sina Vice President Jejomar Binay ng United Nationalist Alliance; dating DILG secretary Mar Roxas ng Liberal Party; Independent candidate Senator Grace Poe; at Davao Mayor Rodrigo Duterte of PDP-Laban.
Hindi naman makakapunta si Senator Miriam Defensor Santiago dahil kailangan niyang sumailalim sa clinical trial procedure laban sa sakit na cancer.
Ayon kay Bautista, tiniyak daw sa kanya ng media partners na sa tatlong oras na debate period, wala masyadong commercials, bukod pa sa iba na ang paraan ng pagtatanong sa bawat round.
Sa unang round, isnag panelist ang magtatanong sa Presidential candidates, habang sa ikalawang round, ang bawat kandidato ay pwedeng magtanong sa kapwa debater.
Matatandaang umani ng batikos ang naunang PiliPinas Debates sa Mindanao dahil sa dami ng advertisememts o kabuuang 48 minutes.