LOOK: Ikatlong araw ng pagsasaayos sa turnouts sa Taft Ave. station ng MRT-3

Ngayong ng Nobyembre 30, 2020 ang huling araw ng pagsasaayos ng mga turnouts sa Taft Avenue station sa 2B at 3D sections ng MRT-3.

Matatandaang natapos nang palitan ang mga turnouts sa 2A at 3C sections sa Taft Avenue station noong November 15.

Nagpatupad ng tigil-operasyon ang MRT-3 mula noong Sabado hanggang ngayong araw upang magbigay-daan sa isinasagawang aktibidad sa Taft Avenue station.

Muling magbabalik-operasyon ang mga tren ng MRT-3 bukas, Dec. 1, 2020.

Ang pagpapalit ng mga bagong turnouts ay bahagi ng isinasagawang malawakang rehabilitasyon ng MRT-3 sa tulong ng maintenance provider nito, ang Sumitomo-MHI-TESP.

Makatutulong ang pagpapalit at pagsasaayos ng mga turnouts sa pagpapabilis ng takbo mga tren hanggang sa 60kph.

 

 

 

 

 

Read more...