Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, November 29, 5:55 PM), umabot na sa 129 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 10 bagong kaso.
Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 5,529 kung saan 5 ang bagong naitala.
Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 183.
Umabot naman na sa 5,841 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Ang bilang ng suspected cases ay 240.
Ayon sa Mandaluyong City Health Department ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng virus at suspected cases ay resulta ng mas pinaigting na mass testing at contact tracing sa lungsod. Ang hakbang ay ginawa upang matukoy at agarang mabigyan ng karampatang lunas ang mga nagpositibo.