Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (November 29, 3:00 PM) nakapagtala ng 243 na bagong kaso kaya pumalo na sa 61,365 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 16,081
Laguna – 16,513
Batangas – 10,687
Rizal – 12,825
Quezon – 5,259
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 6,431.
Nasa 53,279 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 292 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,090
Laguna – 15,178
Batangas – 9,744
Rizal – 11,250
Quezon – 4,017
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 10 kaya umabot na sa 1,655 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 409
Laguna – 362
Batangas – 307
Rizal – 418
Quezon – 159
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay