Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 11,820

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Sabado, November 28), nadagdagan ng 41 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 11,820.

Sa nasabing bilang 390 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay 448.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 12,658 na.

 

 

 

Read more...