388 pamilya inilikas sa Cagayan, Isabela

Credit: Google

Nasa 388 na pamilya o 1,033 katao ang inilikas sa Cagayan at Isabela.

Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar.

Galing sa low-lying areas ang mga residente na pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center.

Bukod sa ulan, patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Nagat Dam.

Nabatid na dalawang gate ang bukas sa Magat dam kung saan 1,002 cubic meters per second ang inilalabas na tubig.

Kamakailan lamang, nalubog sa baha ang Cagayan at isabela dahil sa bagyong Ulysses.

Read more...