Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (November 29), umabot na sa 429,864 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 22,867 o 5.3 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,076 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
82.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.4 porsyento ang asymptomatic; 0.34 porsyento ang moderate; 3.2 porsyento ang severe habang 6.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 40 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,373 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 10,579 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 398,624 o 92.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.