Bigtime oil price hike, ipatutupad ngayong linggo

Magkakaroon ng higit P1 na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.

Batay sa pagtaya, aabot sa P1.00 hanggang P1.10 ang dagdag na presyo sa bawat litro ng diesel.

Sa kerosene o gaas, inaasahang tataas ng P1.10 hanggang P1.15 ang kada litro.

Sa presyo naman ng gasoline, P1.15 hanggang P1.20 ang itataas sa bawat litro.

Sa araw ng Lunes, inaasahang mag-aanunsiyo ang iba’t ibang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...