April “Boy” Regino, pumanaw na sa edad na 59

Photo credit: Idol April Boy Regino/Facebook

Pumanaw na ang singer-composer na si April “Boy” Regino sa edad na 59.

Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na si Vingo Regino sa pamamagitan ng Facebook post.

“Nakakalungkot naman ang araw na ito..wala na ang Kuya April Boy ko,” saad sa post ni Vingo.

Hindi naman tinukoy kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng singer.

Sumikat si April Boy bilang “Jukebox King” dahil sa mga kantang “Di Ko Kayang Tanggapin” at “Umiiyak ang Puso ko.”

Taong 2014, na-diagnose ang singer ng prostate cancer habang noong 2015 naman ay na-diagnose siya ng diabetic retinopathy na nakaapekto sa kaniyang paningin.

Read more...