Mga residente sa Isabela, pinag-iingat dahil bukas pa rin ang dalawang gate ng Magat Dam

Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa Isabela na mag-ingat dahil nananatiling bukas ang dalawang gate ng Magat Dam.

Ayon sa PAGASA Flood Forecasting and Warning Section, nasa 3 meters ang bukas na gate at nagpapakawala ng tubig na 697 cubic meters per second.

Kabilang sa mga maapektuhan ang mga munisipalidad ng Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu.

“Residents and the local Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMCs) concerned are still advised to maintain all the necessary appropriate actions,” pahayag ng PAGASA.

Nasa 189.14 meters above sea level ang tubig sa Magat Dam.

Nasa 193 meters ang spilling level ng Magat Dam.

Read more...