San Antonio, Zambales niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa lalawigan ng Zambales.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 94 kilometers Southwest ng bayan ng San Antonio.

Naramdaman ang pagyanig bandang 12:25 ng tanghali.

Anim na kilometro ang lalim nito at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa San Antonio at karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...