BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, nasa 427,797 na

Halos 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (November 28), umabot na sa 427,797 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 31,402 o 7.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,893 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.4 porsyento ang asymptomatic; 0.25 porsyento ang moderate; 2.3 porsyento ang severe habang 4.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 79 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,333 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 474 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 388,062 o 90.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...