Higit 500 pamilya sa Daraitan, Rizal nakatanggap ng tulong

PCG photo

Nakatanggap ng tulong ang mahigit 500 pamilya sa mga komunidad na matinding tinamaan ng bagyo sa Daraitan, Rizal.

Inihanda ni Lt. Commander Gerald Anderson ng PCG Auxiliary, katuwang ang Coast Guard Public Affairs (CGPA), ang food packages at gamot, araw ng Sabado, November 28.

Isinagawa ang relief operations sa Sitio Irid, Sitio Masayo, Sitio Bito, Sitio Sabangan, Sitio Alas-asin, at Daraitan Proper.

Tiniyak ng PCG na nasunod ang minimum health standards para sa kaligtasan at kalusugan ng mga residente sa nasabing lugar.

PCG photo
Read more...