Pabor din si Senator Christopher Go sa binabalak na pag-iimbestiga ng Senado sa naging epekto ng pagpapakawala ng tubig ng ilang dam kasabay nang pananalasa ng bagyong Ulysses.
Ayon kay Go kasama sa trabaho ng mga mambabatas na mag-imbestiga kung ito ay in aid of legislation.
Pagdidiin ng senador dapat lang na may koordinasyon ang mga kinauukulang ahensiya gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa tuwing kinakailangan magpakawala ng tubig ang mga dam.
Ito naman aniya ay para makapaghanda ang mga LGUs na maapektuhan sa gagawing pagpapakawala ng tubig.
Napakahalaga din aniya na batid ng awtoridad ang magiging epekto ng papakawalang tubig.
Una na nang nagpaliwanag ang National Irrigation Administration (NIA) ukol sa isyu.
MOST READ
LATEST STORIES