Puwede ang sabungan, hindi ang eskuwelahan?! – Sen. Marcos


Kinuwestiyon ni Senator Imee Marcos ang diskarte ng Inter Agency Task Force (IATF).

Ipinagtataka ni Marcos ang resolusyon ng IATF na nagsasabing maari ng magbukas ang mga sabungan, ngunit nanatiling sarado ang mga paaralan.

Diin ng senadora dapat ay simulan muli ang face-to-face classes kung magagawa rin naman na makasunod ang mga paaralan sa health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa senadora tanging sa Pilipinas na lang nanatiling sarado ang mga eskuwelahan.

Naniniwala ito na magagawa na ligtas na makapag-aral ang mga estudyante at makakapagturo ang mga guro sa mga paaralan.

Bukod dito aniya, makakabalik na rin sa trabaho ang mga magulang na kailangan na manatili sa bahay para magabayan ang mga anak sa ‘home schooling.’

Read more...