GSIS may systems upgrade sa Dec. 11 hanggang Dec. 13

Magkakaroon ng tatlong araw na systems upgrade ang Government Service Insurance System o GSIS.

Sa abiso ng GSIS, magsisimula ang aktibidad alas 8:00 ng gabi ng December 11 araw ng Biyernes at tatagal hanggang alas 9:00 ng gabi ng December 13.

Apektado ang sumusunod na serbisyo ng GSIS:

– eGSISMO
– GSIS Touch (GSIS Mobile App)
– GWAPS Kiosks (GSIS Wireless Automated Processing System)
– WEBMSP (AAPP Forms Uploading)

Ayon sa GSIS, mainam na planuhin na at gawin na ang mga transaksyon bago ang system downtime.

 

 

 

 

 

Read more...