2 patay, 5 sguatan sa aksidente sa banggaan ng dalawang motosiklo sa Quezon

Patay ang dalawa habang lima pa ang sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa national road sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na sina Joseph Peñana, 25, at Mico Javier, 16, na kapwa residente ng Sariaya.

Sakay ng kaniyang motorsiklo si Peñana, nang makabanggaan nito ang kasalubong na motorsiklo ni Javier.

Dead on the spot si Peñana habang nasawi si Javier habang dinadala sa United Candelaria Doctors Hospital.

Pawang angkas ng mga motorsiklo ang mga nasugatan.

 

 

 

 

 

Read more...