Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 42,000 sa magdamag

Umabot na sa mahigit 9.3 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 42,054 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 9,308,751 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 8.7 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 456,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na halos 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 135,734 na.

 

 

 

Read more...