Weekend shutdown ng MRT-3 tuloy sa Nov. 28 hanggang Nov. 30

Tuloy ang nakatakdang weekend shutdown ng MRT-3 sa Sabado, Nov. 28 hanggang sa sa Lunes Nov. 30.

Bahagi ito ng massive rehabilitation at maintenance na isinasagawa sa buong linya ng MRT-3 ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

Magpapatupad ang pamunuan ng rail line ng temporary shutdown sa operasyon ng mga tren sa loob ng nabanggit na mga petsa upang magbigay-daan sa gagawing turnout activity sa Taft Avenue station.

Ang mga turnouts ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.

Dahil sa pagsasaayos ng turnouts sa MRT-3 unti-unting naitataas ang train running speed ng rail system.

 

 

 

Read more...