Ilang lalawigan sa Southern Luzon patuloy na uulanin

Makararanas pa din ng pag-ulan sa ilang lalawigan sa Southern Luzon dahil sa Low Pressure Area (LPA).

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Biyernes, Nov. 27 mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Batangas sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Quezon at Laguna.

Pinapayuhan ang mga residente at Local Disaster Risk Reduction and Management Office na maging alerto sa lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

Read more...