Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 100,000 pa

Umabot na sa lagpas 13.2 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 104,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 13,245,589 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 7.8 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 5.1 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 1,000 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 269,520 na.

 

 

 

Read more...