Mahigit 18,000 manggagawa naisailalim na sa libreng swab testing sa Maynila

Umabot na sa 18,312 ang bilang ng mga indibidwal na nakapag-swab test sa ilalim ng free mass swab testing program sa Lungsod ng Maynila.

Ang libreng swab test ay para sa mga public transport drivers, market vendors, hotel employees at mall workers.

Maliban sa mga sektor na ito, nasa 49,857 na rin ang kabuuang bilang ng mga naisailalim sa swab test (RT-PCR) sa anim na District Hospitals sa lungsod.

Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na magtutuloy-tuloy ang paglulunsad ng libreng swab test upang matiyak ang kaligtasan ng publiko laban sa COVID-19.

 

 

 

Read more...