Ayon sa Cebu City Fire Station, nagsimula ang sunog alas 3:22 ng madaling araw ng Biyernes (Nov. 27) sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Osmeña Village.
Pag-aari ng isang Gilbert Wong ang nasunog na bahay.
Naideklarang fire out ang sunog, 3:42 ng madaling araw.
Ayon kay Fire Officer 2 Fulbert Navarro, tatlo sa kanilang mga bumbero ang nagtamo ng minor injuries nang mag-collapse ang second floor ng bahay.
Agad namang nalapatan ng lunas ang tatlo.
Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
READ NEXT
LOOK: Final 12-man lineup ng Gilas Pilipinas para sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers inilabas ng SBP
MOST READ
LATEST STORIES