Catarman, Northern Samar niyanig ng Magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Northern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 18 kilometers northeast ng bayan ng Catarman, alas-4:24 umaga ng Biyernes (November 27).

May lalim na 17 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...