Sarangani, Davao Occidental dalawang beses niyanig ng lindol

Dalawang beses niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang unang pagyanig sa 124 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-12:34 umaga ng Biyernes (November 27) at may lalim na 5 kilometers.

Naitala naman ang ikalawang pagyanig sa 322 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Sarangani, alas-4:14 umaga ng Biyernes (November 27) at may lalim na 7 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

Read more...