Ito ay base sa Ordinance No. 824, series of 2020.
Ayon sa Valenzuela LGU, bawal muna ang sinumang indibidwal o grupo na magsasagawa ng pisikal na caroling.
Ito ay bahagi ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19.
Epektibo ang naturang ordinansa simula sa December 1, 2020 hanggang January 4, 2021.
Gayunman, papayagan naman ang pangangaroling sa pamamagitan ng electronic o digital.
Sinabi ng Valenzuela LGU na may administrative penalty na P5,000 multa o community service.
Sa mga hindi naman susunod sa administrative penalty, may multang P5,000 o pagkakakulong ng hindi lalagpas sa 30 araw o pareho depende sa desisyon ng korte.
Sa mga lalabag na 17 taong gulang pababa, sinabi ng Valenzuela City government na kailangang sumailalim sa intervention program ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Kung hindi susunod ang menor de edad sa intervention program, mananagot ang magulang sa ilalim ng Code of Parental Responsibility.