Igbaras, Iloilo niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol sa Iloilo.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 7 kilometers Northwest ng bayan ng Igbaras.

Naramdaman ang lindol bandang 10:54 ng gabi.

May lalim ang lindol na 10 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa naturang bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Read more...