Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa Navotas, 5,054 na

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (6:00 ng gabi ng Huwebes, November 26), nasa 5,054 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 6 ang nadagdag.

Wala namang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay nasa 157 pa rin.

Ang bilang naman ng active cases ay 54 kung saan 6 ang nadagdag.

Sa kabuuan umabot na sa 5,265 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

Read more...