Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 7,979 na

Nadagdagan pa ang bilang n kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Huwebes, November 26, 12:00 ng tanghali) 7,979 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 7,554 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 19 na bagong recoveries.

Ang COVID-19 active cases naman ay 399.

Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 26.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...