Dating Pang. Gloria Macapagal-Arroyo, itinalaga bilang Presidential Adviser on Clark Programs and Projects

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterye si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang Presidential Adviser on Clark Programs and Projects.

Ito ang kinumpirma ni Senador Bong Go.

Nilagdaan ng Pangulo ang appointment paper ni Arroyo noong November 25.

Piso ang matatanggap na kompensasyon ni Arroyo kada taon.

Matatandaang pagkatapos ng termino bilang Pangulo ng bansa, naging kongresista si Arroyo ng Pampanga.

Read more...