19 pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19

May 19 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang November 26, nasa 11,592 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 82 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,262 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Apat naman ang bagong gumaling kung kaya 7,496 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala muling bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 834 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,535 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,313 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 830 naman ang kaso sa Americas at 1,914 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...