Palasyo, binati ang mga pumasa sa physician licensure exam

Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng Malakanyang sa anak ni Vice President Leni Robredo na Janine Patricia Robredo na nakapasa sa katatapos na physician licensure examination.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi lamang ang anak ni Robredo ang binabati ng Palasyo kundi ang lahat ng nakapasa sa naturang pagsusulit.

Binati rin ng kalihim ang proud parents ng mga bagong doktor ng bansa.

Maituturing aniyang bagong bayani ang mga ito lalo na sa gitna ng nararanasang pandemya sa COVID-19.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na umaasa siyang makapagtatapos at makapapasa rin sa kaparehong pagsusulit ang kanyang mga anak para magkaroon din ng doktor sa kanyang pamilya.

Read more...