Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (November 26), umabot na sa 424,297 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 28,789 o 6.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,392 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.3 porsyento ang asymptomatic; 0.26 porsyento ang moderate; 2.6 porsyento ang severe habang 4.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 27 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,242 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 328 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 387,266 o 91.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.