Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 24,644 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (November 26).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 507 o katumbas ng dalawang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
23,423 o 95 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 714 pa rin o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 17,089 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
READ NEXT
Pangulong Duterte, handang tumulong na maamyendahan ang batas na magpapalawig sa transition period ng BARMM
MOST READ
LATEST STORIES