Mga mambabatas na nagpaturok na ng bakuna kontra COVID-19 saklaw ng medical confidentiality

Walang balak ang Palasyo ng Malakanyang na pilitin ang mga mambabatas na umamin na sa publiko na nagpaturok na ng bakuna kontra COVID-19.

Pahayag ito ng palasyo matapos mapaulat na nagpaturok na ng bakuna sina Senador Panfilo Lacson at Congressman Martin Romualdez.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque saklaw kasi ng medical confidentiality ang bawat isa.

Hindi aniya naaring mapilit ang dalawa kung aamin o hindi

Hindi naman masagot ni roque kung nayroon ng miyembro ng gabinete si Pangulong Rodrigo Duterte na nagpabakuna na kontra COVID-19.

 

 

 

 

 

Read more...