Provincial Election Supervisor sa Davao Del Norte hinirang bilang bagong Comelec Commissioner ni Pangulong Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec) si Aimee Ferolino-Ampoloquio.

Ang appointment paper ni Ampoloquio ay nilagaan ng pangulo noong November 24.

Papalitan niya si Commissioner Al Parreno.

Ang termino ni Ampoloquio ay hanggang sa February 2027.

Bago mahirang bilang commissioner si Ampoloquio ay nanilbihan bilang Provincial Election Supervisor sa Davao Del Norte.

 

 

 

 

 

 

Read more...