Ayon sa Department of Education (DepEd) walang internet sa bahagi ng Brgy. Magnao sa Kalinga.
Dahil dito, ang paggamit ng two-way radio ang naisip na paraan ni Teacher-In-Charge Rafael Gonayan ng Magnao Elementary School para magkaroon ng komunikasyon ang mga guro at mga estudyante.
Ang 2-way radio system ang ginagamit ngayon ng 154 na mag-aaral.
Pitong guro din ang araw-araw na nagtutungo sa Magnao Elementaryo School upang magturo gamit ang walkie-talkies.
Habang nagsasagot ng kanilang module, maaring kausapin ng mga bata ang kanilang guro gamit ang two-way radio kung sila ay mayroong katanungan.