Suspek sa Paris attacks, arestado na

paris suspect abdeslamTimbog ang suspek sa mga pag-atake sa Paris, France na ikinasawi ng 130 katao sa isang raid sa isinagawa ng French police sa Molenbeek, Brussels sa Belgium.

Tinamaan rin umano ang suspek na si Salah Abdeslam na isa sa mga most wanted sa Europe, na nag-tago na agad pagkatapos ng Paris attacks noong Nobyembre.

Kinumpirma naman ito ni Secretary of State for Asylum and Migration Theo Francken, at maging ng deputy mayor ng Molenbeek na si Ahmed El Khannouss

Ilang pagsabog na rin ang narinig sa pinangyayarihan ng operasyon ng mga otoridad.

Read more...