“There are at least 13,000 housing units in government’s resettlement sites na nakatengga lang. We can use these units to help the residents in vulnerable and hazard-prone areas to start anew” sabi ni Hontiveros.
Hinimok din niya ang NDRRMC na busisiin na ilan sa mga pasilidad ng gobyerno kung saan inilikas ang ilang residente ay nadiskubre na mas delikado dahil ang mga ito ay natukoy na nasa geo-hazard areas.
“Inilipat doon ang mga residente dahil nga delikado rin sa kanilang tinitirahan. Nakakapagtaka lang na ang mga pabahay ng gobyerno na dapat sana ay nasa ligtas na lugar ay inilagay sa may mas matindi pang disgrasya,” dagdag pa ng senadora.
Ang tinutukoy ni Hontiveros ay ang Kasiglahan Village at Southville 8B sa Rodriguez, Rizal at kapwa natukoy na nasa ‘red zones’ base sa Project Noah ng UP Resiliency Institute.
Hiniling ang decommissioning ng binahang public housing sites.