Eastern Visayas, may 80 pang kaso ng COVID-19

Nadagdagan ng 80 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,388 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Miyerkules ng gabi (November 25), 8,450 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 619 o 7.73 porsyento ang aktibong kaso.

18 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 7,745 o 91.66 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 86 na ang mga residenteng nasawi o 1.02 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...