138 pang residente sa Central Visayas, naka-recover sa COVID-19

Nagkaroon pa ng 69 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang November 25, 23,856 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,145 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 138 ang bagong gumaling kung kaya 21,327 na ang COVID-19 recoveries.

Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,384 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...