Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 24,582 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkuls ng umaga (November 25).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 536 o katumbas ng dalawang porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
23,332 o 95 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 714 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 17,005 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES