128 pang COVID-19 recoveries, naitala sa Central Visayas

Nagkaroon pa ng 35 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang November 24, 23,788 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 1,215 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 128 ang bagong gumaling kung kaya 21,191 na ang COVID-19 recoveries.

Tatlo ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,382 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...