Naitala ang mga bagong kaso mula sa 1,009 laboratory samples na sinuri ng EVRCTC at DWHVL.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 7:00, Martes ng gabi (November 24), 8,371 na ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 560 o 6.69 porsyento ang aktibong kaso.
39 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 7,727 o 92.31 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 84 pa rin ang mga residenteng nasawi o 1.00 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES