Halos 700 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas

Umabot sa 696 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Lunes ng hapon (November 23), hanggang 5:00, Martes ng hapon (November 24).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 367 kung saan 144 ang adult habang 223 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 299.

Isa naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, dalawa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas, isa ang umiinom, siyam ang naninigarilyo habang 17 sa iba pang ordinansa.

Read more...