Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 24, umakyat na sa 19,178 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
1,807 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 80.24 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
42 naman ang gumaling pa kaya 16,847 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umakyat naman sa 534 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES