Mga bandila sa DPWH offices, inilagay na half-mast

Inilagay sa half-mast ang mga bandila ng Pilipinas sa mga tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa buong bansa.

Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa limang nasawing tauhan ng kagawaran sa clearing operations sa Ifugao Province sa kasagsagan ng pananalasa Typhoon Ulysses.

“From Monday, November 23, 2020 to Friday, November 27, 2020, flags in the DPWH Central Office in Manila and all Regional and District Engineering Offices across the country will be lowered to half-mast from sunrise to sunset as a mark of mourning and respect for our brothers: John Limoh, Julius Gulayan Jr., Joel Chur-ig, Johnny Duccog, and Roldan Pigoh,” pahayag ni Secretary Mark Villar.

Alinsunod ito sa mga probisyon ng Republic Act No. 8691 o Flag and Heraldic Code of the Philippines.

“We grieve with the families, friends of those bravehearts who unfortunately sacrificed their lives to fulfill their sworn duty as public servants,” dagdag ng kalihim.

Aniya, ang mga nasawing bayani ay miyembro ng DPWH Ifugao 2nd District Engineering Office Quick Response Team na natabunan ng landslide sa Sitio Sumigar, Viewpoint sa Banaue, Ifugao.

Read more...